Alas 8:00 pa lamang ng umaga bukas, Lunes, October 12, ay agad nang magtutungo sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Manila si Vice President Jejomar Binay.
Ayon kay Binay, ito ay para mauna sa paghahain ng Certificate of Candidacy at panindigan na rin ang pangalan ng kanyang partidong UNA o United Nationalist Alliance.
Gayunman, hindi tinukoy ni Binay kung kasama niyang maghahain ng COC ang maugong na ka-tandem na si Senador Gringo Honasan.
Matatandaang hindi sumipot si Honasan sa event ng UNA sa Cebu Coliseum kahit na naglalakihan na ang mga tarpaulin na may nakasulat na “Bise Presidente Honasan.”
Simula bukas hanggang Biyernes, maari nang maghain ng COC ang mga kakandidato para sa 2016 national at local elections.
MOST READ
LATEST STORIES