Bagaman nasorpresa, hahanapin pa rin ng Philippine National Police ang sinasabing ‘wreckage’ ng nawawalang Malaysia Airlines Flight 370 na una nang nakita sa Ubian island sa Tawi- tawi.
Ayon kay Senior Supt. Rodelio Jocson na nakatalaga sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, wala naman silang natanggap na impormasyon na may nag crash na eroplano sa lugar.
Gayunman, iimbestigahan pa rin ng PNP ang nakuhang ‘wreckage’ para matiyak kung bahagi ito ng MH 370 flight.
Una rito, sinabi ng Sabah police na may nakasulat na Malaysian flag ang ‘debris’ at may nakuhang buto ng tao.
Matatandaang bigla na lamang naglaho ang mh 370 flight noong marso 8, 2014 na galing ng Kuala Lumpur at patungo sana ng China.
Lulan ng MH 370 ang may 293 pasahero at crew nang ito’y maglaho.