Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, wala silang nakikitang problema sa bagong kautusan dahil alinsunod naman ito sa Executive Order no. 2 na nagtatakda sa PNP na maging bukas sa mga bagay na may kaugnayan sa public interest.
Paliwanag ni Bulalacao, ang Public Information Division ng Directorate for Police Community Relations na ang bahala sa kung paano mas magiging bukas ang kanilang hanay.
Kahapon sinabi ni NAPOLCOM vice chairman Atty. Rogelio Casurao na direkta na ngayong makakahingi ang publiko ng mga dokumneto mula sa PNP.
Ito’y alinsunod na rin sa Freedom of Information program ng pamahalaan at pagkwestyon ng Korte Suprema sa war on drugs ng administrasyon.
Ang FOI desk ang magpoproseso, hahawak, tatanggap at maglalabas ng mga impormasyon tungkol sa PNP na hihingin ng publiko.