Cocaine na natagpuan sa karagatan ng Calaguas Island, posibleng pagmamay-ari ng malaking sindikato

Kuha ni Mark Makalalad

‘Tip of the iceberg’ lang kung maituturing ang nadiskubre ng Philippine National Police na unang tracking device na ginagamit bilang locator sa iligal na droga.

Bagaman inaalam pa ang pinagmulan, sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na naniniwala sya na malaking sindikato ang nasa likod nito at may pinapatakbo silang cartel.

Patunay aniya nito ang pagamit nila ng teknolohiya katulad ng GPS para sa pag-transmit ng kontrabando.

Pag-amin naman ni Region 4-A Director Guillermo Eleazar, posible anyang dati nang gumagamit ng tracking device ang grupo ngunit ngayon lang ito naharang.

Hindi rin nila matukoy kung transient o dadaan lang ito sa karagatang bahagi ng bansa.

Sa ngayon, nakatakdang i-turn over sa PDEA ang naturang tracking device para masuri.

Nitong Linggo, nasa 16.5 na litrong liquid substance na kayang gumawa ng 13 kilo ng coccaine ang natagpuan ng 4 na mga manggigisda na palutanglutang at may kasamang tracking device.

Nang mabatid na kahinahinala, dinala nila ito sa mga awtoridad at dito na nakumpirma na iligal na droga pala ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...