Kinansela ng Bureau of Immigration (BI) ang missionary visa na hawak ng Australian nun na si Sister Patricia Fox.
Inatasan din ng BI si Fox na umalis na ng Pilipinas at ang pagsama-sama ngdayuhang madre as mga “partisan political activities” ang binanggit na dahilan ng ahensya.
Hindi naman na inilatag ng BI ang mga political activity na sinalihan ng 71 anyos na si Sister Fox.
Sa statement na inilabas ng BI, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na napatunayan nilang lumalahok sa mga aktibidad si Fox na hindi pinapayagan sa mga kondisyon sa missionary visa na kaniyang hawak.
Ani Morente, ang hawak na visa ni Fox ay para lamang sa kaniyang missionary work sa bansa.
Binigyan lamang ng BI si Sister Fox ng 30-araw mula sa petsa ng pagtanggap niya ng kautusan para umalis sa bansa.