Bahagi ng QC, Mandaluyong at Rizal mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang ilang bahagi ng Quezon City, Mandaluyong at Rizal.

Ayon sa abiso ng Meralco, sa Quezon City, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon ang power interruption sa maraming lansangan sa Project 3. Ito ay dahil sa gagawing pagpapalit ng linya at poste sa kahabaan ng Narra Street sa mga Barangay Quirino 3-A, Claro, Duyan – Duyan at Amihan.

Sa Mandaluyong naman magdamag ang power interruption mula alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 6:00 ng umaga bukas sa bahagi ng Barangay San Jose at Barangay Plainview.

Mawawan din ng kuryente sa Rodriguez, Rizal mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon at apektado naman ang kahabaan M.H Del Pilar kabilang ang mga sakop ng Barangay Balite at Barangay San Rafael.

Habang sa San Mateo, Rizal, alas 10:30 ng umaga hanggang alas 3:30 ng hapon ang power interruption na makaaapekto sa bahagi ng Barangay Guitnang Bayan II at Dulong Bayan II.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...