6 arestado sa buy bust operation sa QC

Contributed Photo

Timbog ang anim na katao sa buy bust operation na isinagawa ng mga awtoridad sa isang Apartelle, sa Barangay Kaunlaran, Cubao, Quezon City.

Naganap ang operasyon kaninang alas-2 ng madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Francis Regis, Michell Rodriguez, Julius Mirasol, Diane Girol na pawang mga residente ng lungsod; Krisna Reyes na residente ng Sampaloc, Maynila at Lalaine Chavez na residente naman ng Antipolo City.

Nakuha sa mga suspek ang 26 na sachet ng hinihinalang shabu at samu’t saring paraphernalia kabilang ang aluminum foil, lighter at maging drug money na nagkakahalaga ng P1,500.

Nahaharap ang anim sa kasong paglabag sa sections 5, 11, 26 at 13 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...