Mga aktibong tauhan ng AFP libre na ang sakay sa MRT-3 mula ngayong araw

DOTr Photo

Simula ngayong araw, April 25, libre na ang sakay ng lahat ng aktibong tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa MRT-3.

Ayon sa Department of Transportation (DoTr) para maka-avail ng libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga sundalo at staff ng AFP ang kanilang ID.

Ang libreng sakay para sa mga sundalo sa MRT-3 ay bahagi ng lalagadang kasunduan ni DOTr Sec. Arthur Tugade, Usec. for Railways Timothy John Batan, MRT-3 General Manager Rodolfo Garcia, at Brigadier General Bienvenido Datuin, Jr., ng Civil Service Relations ng AFP (CRSAFP).

Ani Tugade, pagkilala ito sa paghihirap at sakripisyo ng mga sundalo.

Sa ilalim ng MOA, iiral ang libreng sakay sa loob ng isang taon.

Bilang tulong naman sa DOTr at MRT-3, ang AFP ay maylaaan ng ambulansya at medical teams kapag nakaranas ng emergency at crisis situations sa mga istasyon ng tren.

Noong 2017, isang MOA ang nilagdaan din ng AFP at Light Rail Transit Authority (LRTA), na nagbibigay naman ng libreng sakay sa lahat ng uniformed personnel sa LRT-2 hanggang December 2018.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...