Ayon sa Meralco, bagaman wala pang nakaambang pagtaas sa presyo ng kuryente ay sagaran naman ang nagiging paggamit ng consumers sa mga appliances upang mapawi ang nararamdamang tindi ng init.
Bunsod nito, asahan na umano ng mga consumer ang mas mataas na bill sa kuryente.
Samantala, ibinabala rin ng power distribution company na maaari silang magtaas ng singil bunsod ng madalas na pagpalya ng ilang power plant ngayong dry season.
Ang ganitong insidente anya ay nagdudulot ng mataas na presyo ng kuryente sa wholesale electricity spot market kung saan nagmumula ang bahagi ng kanilang supply.