Dengvaxia, itinuturong dahilan ng pagkamatay ng isang duktor sa Pangasinan

Doctor na nasawi dahil umano sa Dengvaxia
| Facebook Photo

Isang duktor sa Binalonan, Pangasinan ang hinihinalang namatay dahil sa pagkakaturok ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Kinilala ang duktor na si Kendrick Gotoc, 38 anyos, na binawian ng buhay sa isang ospital sa Quezon City.

Ayon sa kapatid nitong si Municipal Councilor Ryan Gotoc, ipinaalam ni Kendrick sa kanila na nakatanggap siya ng tatlong turok ng nasabing dengue vaccine dalawang taon na ang nakalilipas at sinabing nakararanas siya ng side effects.

Napansin umano ng pamilya ang pagpayat ng doktor, madalas na pagsakit ng ulo, kawalan ng gana sa pagkain, pagsakit ng tiyan at pagkakaroon ng skin rashes.

Dahil dito, sinabi ng pamilya na magsasampa sila ng kaso laban sa mga taong responsible sa pagkamatay ng doktor.

Nagkaroon din umano ng anim na pasyente si Gotoc na naturukan ng Dengvaxia ngunit kalauna’y nasawi rin.

Ayon naman sa Provincial Health Office, hindi pa matitiyak kung ang pagkamatay nga ng doktor ay dahil sa Dengvaxia.

Pinayuhan ni Provincial Health Officer Ana Ma. Teresa de Guzman ang pamilya Gotoc na ipasa ang kopya ng laboratory results ni Dr. Gotoc sa National Bureau of Investigation, Department of Health at Quezon City Health Office kung saan ito nagtatrabaho upang mapag-aralan ito.

Naiuwi na ang mga labi ng doktor sa tahanan nito sa Barangay Canarvacanan noong Lunes.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...