Sa datos ng PAGASA, ang tatlong lugar na nakapagtala ng pinakamataas na temperatura kahapon ay ang Tuguegarao City na umabot sa 38.6 degrees Celsius, Cabanatuan 37.7 degrees Celsius, at San Jose Occidental Mindoro 37.5 degrees Celsius.
Pero ang naitalang heat index ng PAGASA o ang init na naramdaman ng mga tao sa San Jose Occidental Mindoro ay pumalo sa 46.2 degrees Celsius, sa Dagupan City 45.5 degrees Celsius, at sa Sangley Point sa Cavite ay 45. 3 degrees Celsius.
Samantala ngayong araw, sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas, patuloy na makararanas ng mainit at maalinsangang panahon sa bansa.
Walang anumang sama ng panahon na binabantayan ang PAGASA na maaring makaapekto saanmang panig bansa.
Tanging easterlies lamang ang umiiral at makararanas pa rin ng localized thunderstorm sa hapon o gabi.