Operasyon ng PNP sa anti-illegal drugs pinadudukomento na ng Palasyo ng Malacañan

Hiniling ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na i-document na ang lahat ng napapatay sa anti-illegal drugs operation.

Ito ay para malaman kung gumagamit ng sobrang pwersa ang PNP at makasuhan ang mga abusadong pulis.

Ayon kay Roque, ginawa niya ang hiling sa PNP bilang Presidential Adviser on Human Rights.

Sinabi pa ni Roque na maaaring matapos na ang pagdodokumento sa susunod na dalawa o tatlong buwan.

Nanindigan pa si Roque na hindi kailanman kinukunsinti ng estado ang extra-judicial killings.

Malinaw naman aniya ang polisya ng pangulo na kakasuhan ang mga pulis na umaabuso sa katungkulan pero sasagutin at ipagtatanggol naman ang mga pulis na tumutupad lamang sa kanilang tungkulin.

Read more...