May napili na si Pangulong Rodrigo Duterte na dalawang commissioners na itatalaga sa Commission on Elections (COMELEC).
Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi niya muna isasapubliko ang pangalan ng dalawang bagong COMELEC commissioners dahil hindi pa nalalagdaan ng pangulo ang kanilang appointment papers.
Ang COMELEC ay binubuo ng isang chairman at anim na commissioners.
Sa ngayon si Al Parreno ang tumatayong acting COMELEC chairman.
Samantala, inamin ni Roque na wala pang nilalagdaang proklamasyon ang pangulo para ideklarang special non-working holiday ang May 14 o ang araw ng barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Pero ayon kay Roque, logical lamang na gawing holiday ang May 14 para mabigyan ng pagkakataon ang mga botante na makaboto.