Sa botong 10-3-1, sinabi ng Supreme Court na kikilalanin sa Pilipinas ang diborsyo ng isang Pilipino laban sa foreign spouse nito kahit pa ang Pinoy na asawa ang nag-file ng divorce.
Bago dito, ang diborsyo sa ibang bansa ay valid sa Pilipinas kapag ang dayuhang asawa ang naghain nito.
Ang mga tumutol sa ruling ay sina Justices Mariano del Castillo, Estela Perlas-Bernabe at Alfredo Benjamin Caguioa.
Ang desisyon ng Korte Suprema ay kaugnay ng kaso ni Marelyn Tanedo kung saan nagdesisyon ang mababang korte na hindi pwedeng i-apply ang Family Code dahil siya ang naghain ng diborsyo.