Ayon kay Grab Country Head Brian Cu, ito ang mangyayari sa 25% ng kanilang drivers na may rekord na kakaunti ang mga pasaherong tinatanggap.
Samantala, ang auto-accept feature para sa bookings ay sisimulan na sa Biyernes.
Pero sinabi ni Cu na ang opsyon na makita ang destinasyon ng mga pasahero ay magiging available sa mga drivers sa madaling araw para sa proteksyon ng mga drivers.
Ang hakbang ng kumpanya ay bunsod ng mga reklamo ng mga pasahero na namimili ang mga Grab drivers at nagkakansela ng biyahe kapag ayaw nila ang destinasyon ng pasahero.
Pero giit ni Cu, ang pangunahing dahilan ng mahirap na booking sa Grab ay ang kakulangan ng mga sasakyan.