Jail guard sa Pasay City Jail sinibak kasunod ng pagkamatay ng dalawang bilanggo

Tinanggal sa pwesto ang naka-duty na jailer sa Pasay City Police Station Station Drug Enforcement Unit detention cell kasunod ng pagkamatay ng dalawang bilanggo dito.

Ayon kay Southern Police District (SPD) chief, Police Chief Superintendent Tomas Apolinario, administratively relieved pending investigation si PO1 Anthony Fernandez upang malaman kung mayroong bang naganap na kapabayaan na nagresulta sa pagkamatay ng mga bilanggong sina Eduardo Angeles at Arman Castillo.

Batay sa resulta ng autopsy, namatay si Castillo dahil sa blunt traumatic injuries, habang nakitaan naman ng palatandaan na binugbog si Angeles.

Ani Apolinario, lumabas sa imbestigasyon na ginulpi sina Angeles at Castillo ng kanilang kapwa-bilanggo na si Benajamin Cruz at mayor na si Elinoe Washington.

Limang mga bilanggo ang nagsabing binugbog nina Cruz at Washington ang dalawang namatay na kasamahan dahil sa hindi pagsunod sa mga patakaran sa loob ng piitan.

Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong murder laban kay Cruz at Washington.

Read more...