Kalalaya pa lamang mula sa kulungan ay tila walang makakapigil sa self-proclaimed CEO na si Xian Gaza.
Ito ay matapos niyang imbitahin si Myrtle Sarrosa sa isang date para manood ng “Avengers: Infinity War.”
Sa isang post ni Xian sa kanyang Facebook account ay inedit ng isang Christian Rhowen Sustiguer ang poster ng nasabing pelikula kung saan makikita ang mukha ni Myrtle at Xian sa halip na mukha ng mga artistang gaganap dito.
Sa caption naman ay sinabi ni Xian na crush niya si Myrtle kaya naman niyayaya niya itong makipagdate sa kanya.
Pabiro pa nitong sinabi sa dulo ng post na hindi niya kayang ipa-billboard ang edited poster dahil ‘nyeamumulubi’ siya ngayon.
Samantala, sa kasunod na post ay nag-video si Xian sa loob ng walang taong sinehan at sinabing hinihintay na lamang niya ngayon ang ‘matamiss na oo’ ni Myrtle.
Matatandaang unang naging matunog ang pangalan ni Xian matapos nitong yayain sa isang coffee date sa pamamagitan ng billboard si Erich Gonzales. Nitong April 12 naman ay nakulong ito dahil sa paglabag sa Anti-Bouncing Check Law, ngunit nakapagpiyansa sa halagang P126,000 At nagawa pa nitong ibenta ang kanyang orange prisoner shirt sa halagang P9,000.