Sundalo patay sa bakbakan laban sa NPA sa Cagayan

Patay ang isang sundalo, habang sugatan ang isa pa dahil sa palitan ng putok sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Masi sa bayan ng Rizal, Cagayan.

Tumanggi si Lieutenant Colonel Camilo Saddam na siyang commander ng 17th Infantry Battalion ng Philippine Army na ipagbigay-alam ang pangalan ng nasawing sundalo habang hindi pa ito naipapaalam sa kanyang pamilya.

Nagpapagaling naman ngayon sa Cagayan Valley Medical Center ang sugatang sundalo.

Ayon sa Philippine Army, nasa 25 armadong kalalakihan ang kanilang nakasagupa habang nagpapatrolya ang mga sundalo.

Tumagal ng 10 minuto ang putukan, kung saan nasugatan ang mga rebelde.

Pinaniniwalaang mga miyembro ng Danilo Ben Command ng NPA na nag-ooperate sa Kalinga at Cagayan ang nakabakbakan ng mga sundalo.

Read more...