Nasa ika-apat na puwesto si ‘Kalyeserye’ sensation Maine Mendoza o mas kilala bilang ‘Yaya Dub’ na may pinakamabilis na Twitter account sa lahat ng mga celebrities sa buong mundo.
Ayon sa socialbakers.com, mula September 11 hanggang October 9 o halos isang buwan lamang, nakaakit si Yaya Dub ng mahigit isang milyong bagong follower.
As of October 11, mayroon ng 2.1 milyong Twitter followers si Yaya Dub.
Nangunguna sa listahan si Taylor Swift na may bagong 1.3 milyong follower.
Pasok din sa top five sina Katy Perry, Ellen de Generes at Jimmy Fallon.
Ang socialbakers.com ay isang online resource na nagmomonitor sa Facebook, Twitter, Youtube, Linkedin, Instagram at Google Plus.
MOST READ
LATEST STORIES