200 kilo ng double dead na karne, nasabat sa Guiguinto, Bulacan

 

Aabot sa dalawang daang kilong double dead na karne ang nasabat ng mga pulis sa Guiguinto, Bulacan.

Ayon kay Supt. Julius Caesar Domingo, hepe ng Guiguinto police station, naaresto ang dalawang suspek na sina Rock de Guia, 55 anyos at Rolando Layug, 40 anyos, kapwa residente ng Brgy. Pritil, Guiguinto.

Una rito, nakatanggap ng tips ang mga pulis na kinatay ng dalawang suspek ang dalawang patay na baboy.

Agad namang sinunog ng Veterinary at Agricultural Office ng Guiguinto ang mga nasabat na double dead na karne habang kakasuhan ng paglabag ng Republic Act 10536 o Meat Inspection Code ang mga suspek.

Read more...