Ikaapat na disbarment complaint laban kay Atty. Larry Gadon isinampa ng isang blogger

Isinampa ng blogger na si Jover Laurio ng Pinoy Ako Blog ang ikaapat na disbarment complaint laban kay Atty. Larry Gadon dahil sa umano’y kawalan ng kaalaman sa batas at imoralidad.

Sa reklamo, nilabag umano ni Gadon ang kanyang sumpa bila abogado at ang code of professional responsibility nang maghain ito ng walang basehan na kasong kriminal laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Binanggit ng blogger ang graft complaint na inihain ni Gadon noong Enero sa Department of Justice (DOJ) laban kay Sereno dahil sa umano’y hindi pagsumite ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth o SALN.

Nagpakita umano ito ng pagbastos sa Konstitusyon at kawalan ng kaalaman sa basic law.

Inakusahan din si Gadon ng complainant na si Laurio at isang Aunell Ross Angcos na umano’y immoral conduct nang murahin at mag-dirty finger ito sa mga taga-suporta ni Sereno noong April 10 sa harap ng Supreme Court sa Baguio City.

Ang pagsabi anila ng mura ni Gadon ay isang oral defamation at ang pag-dirty finger at maituturing na slander by deed.

Read more...