Ayon kay Marikina City Police Chief Superintendent Roger Quesada, nagsagawa ng operasyon ang mga miyembro ng Drug Enforcement Unit sa Vapers Stop Store sa A. Bonifacio Avenue sa Baranay Barangka.
Nagresulta ito sa pagka-aresto sa may-ari ng vape shop na si Joseph Anthony Lopez, kapatid nitong si Joseph McGyver, at si Mark Julius San Jose.
Narekober ng pulisya ang apat na sachet at walong glass jars ng pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana, isang timbangan, at ang P1,000 na buy bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong selling and possessing illegal drugs na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES