Pahayag ito ni Health Sec. Francisco Duque II kaugnay ng umanoy pagtanggal ng mga doktor sa Tondo Medical center sa kidney ng trese anyos na si Aldrinne Pineda ng walang consent ng magulang.
Naiulat pa na ginawa umano ito na buhay pa ang bata noong March 2.
Pero sinabi ni Duque na hindi pwedeng magtanggal ng organ ng bata ang doktor ng walang pahintulot ng magulang.
Wala pa umanong detalye ang kalihim sa kaso ni pineda pero pagpapaliwanagin niya ang director ng tondo hospital.
Oras aniya na may makarating na reklamo sa kanila laban sa ospital ay bubuo sila ng fact finding team na mag-iimbestiga sa reklamo.
Aalamin ng ahensya kung may probable cause para kasuhan ang gumawa ng umanoy organ removal.