Ayon kay Alejano, iginigiit ng DFA sa EU ang soberenya, non-interference o hindi pakikialam sa mga hakbang ng bansa at mutual respect.
Gayunman, iba aniya ang posisyon nito sa ginagawang panghihimasok ng China sa soberenya ng bansa.
Halos yumuko ayon sa mambabatas ang pamahalaan sa posisyon nito China na kabaligtaran ng sa EU.
Paliwanag ni Alejano kapag EU ang pumupuna sa war on drugs ng administrasyon ay kaagad na sinasabi ng gobyerno na nangingialam ito pero ang China na halos sakupin ang teritoryo at i-bully ang mga mangingisda ay pala-kaibigan, puro papuri at halos lumuhod na ang gobyerno.
Dahil dito, iginiit ni Alejano na walang maaasahang sinseridad sa Duterte administration dahil mismong ang pinangangalagaang prinsipyo ay mayroong pinipili.