Taliwas ito sa report ng Commission on Audit na kwestyunable ang paggastos ng PLLO ng mahigit tatlong milyong piso bilang bayad sa mga consultants.
Sa statement na ipinadala ng tanggapan ni PLLO Secretary Adelino Sitoy sa Radyo Inquirer, sinabi nito na ang kasalukuyang technical at administrative power ay hindi sapat para tugunan ang maraming paper work at administrative duties.
Katwiran pa ng PLLO, pawang kwalipikado ang kanilang mga kinuha na mga legal professionals, skilled personnel at maging mula sa academe.
Binanatan din ng PLLO ang Rappler dahil sa paglathala ng ulat ng COA nang hindi man lang kinukuha ang kanilang panig.
Ayon pa sa PLLO, patunay lamang ito na nagpapakalat na naman ang Rappler ng fake news.