Ayon kay Bertiz, ‘unfortunate’ at ‘unnescessary’ ang ginagawang pag-upload ng mga rescue videos.
Dapat aniyang isaalang-alang ng Rapid Rescue Team ang kalagayan ng nasa 5,000 undocumented OFW na nasa Kuwait.
Sinabi ni Bertiz na maari din anyang malagay sa alanganin ang buhay ng mga reacuers at posible ring mabigyan ng sanctions ng Kuwait ang pamahalaan ng Pilipinas.
Paliwanag ng mambabatas dapat bigyan ng privacy ang mga inilikas na OFW lalo na kung ang mga ito ay biktima ng human trafficking at sexual violence.
Sa mga kumalat na video, makikita na dinadala ng rapid response team ng gobyerno ang mga OFW sa mga naghihintay na sasakyan saka ihahatid sa shelter ng pamahalaan sa Kuwait para sa kanilang kaligtasan.