Data breach sa mga website ng gobyerno noong April Fool’s day nakaapekto sa datos ng 2,000 indibidwal

Hindi bababa sa 2,000 katao ang naapektuhan ng pag-atake sa websites ng gobyerno na isinagawa ng grupong Pinoy Lulzsec noong April Fool’s.

Ayon sa National Privacy Commission (NPC), ilan sa mga naapektuhan ng data breach ang mga pangalan, address, phone number, email address, at ilan ding password at detalye ng pag-aaral.

Pinatatawag ng NPC ang pamunuan at mga opisyal ng pitong paaralan, institusyon at lokal na pamahalaan na nabiktima ng data breach sa pag-atake ng hackers noong April 1.

Pinagpapaliwanag ng komisyon ang mga ito kung bakit hindi nila inabisuhan ang NPC o ang mga apektadong data subjects sa loob ng 72 mula nang maganap ang insidente.

Pinadalhan na ng summon ang Taguig City University, Department of Education (DepEd) sa Bacoor City at Calamba City, lalawigan ng Bulacan, Philippine Carabao Center, Republic Central Colleges in Angeles City, at Laguna State Polytechnic University,.

Isinapubliko ang personal data ng hindi bababa sa 2,000 indibidwal sa pamamagitan ng link na ipinost sa Facebook, ayon sa NPC.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...