Nais na ngayon ng pamahalaan na pag-aralan ang pagbibigay ng retirement benefits sa mga Overseas Filipino Workers o OFW.
Base sa tatlong panukala na nakahain sa kamara, itatatag ang Social Pension Fund para sa pension at iba pang benepisyo ng mga OFW.
Sa ilalim nito, kailangang magremit ng 5% ng kanilang kita kada buwan ang mga OFW sa pension fund sa loob ng sampung taon upang magkaroon ng pondo ang pension benefits.
Magmumula rin ang pondo nito sa mga sinisingil sa OFW na palabas ng bansa gayundin sa bahagi ng kanilang ibinabayad sa medical testing centers.
Magkakaroon naman ng P50 million ang pension fund mula sa tanggapan ng pangulo.
Sinabi ni 1-Sagip Rep. Rodante Marcoleta, isa sa may akda ng panukala na hindi na dapat paghintayin ang mga OFW na umedad na 60 para mapakinabangan ang retirement benefits.