Alok na magbalik siya sa bansa, tinanggahinan ni Joma Sison dahil sa seguridad

Nagpasalamat si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Maria Sison sa imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumalik sa bansa para sa usapang pangkapayaan.

Sinabi ni Sison na matagal niya nang hinihintay na makita ang pangulo at isulong ang peace process.

Gayunman, tinanggihan ni Sison ang alok na ito.

Aniya, malalagay sa alanganin hindi lamang ang kanyang buhay, kundi maging ang peace process dahil sa mga nais manabotahe nito.

Ipinahayag ni Sison na babalik lamang siya sa bansa kapag may mahalagang pag-usad na ang usapang pangkapayapaan.

Noong Sabado, hinimok ni Duterte si Sison na bumalik sa bansa para sa pagpapatuloy ng peace negotiations na itinigil ng Pangulo noong Nobyermbre.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...