Dahil sa selos, mister pinagsasaksak ang misis, 2 anak at bayaw dahil sa Cebu

Dahil sa matinding selos, pinagsasaksak ng mister ang kaniyang misis, dalawa nilang anak, at isa pa sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Nagtamo ng tama ng saksak sa mukha at katawan ang mga biktima na agad dinala sa pagamutan.

Arestado naman ang 43 anyos na suspek.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nagawa ng suspek ang krimen nang makarinig ng tsismis na may ibang lalaki ang kaniyang asawa.

Galit na galit ito at pinagsasaksak ang misis, dalawang anak, at kapatid na lalaki ng kaniyang misis sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Pajac.

Nakaligtas naman ang bunsong anak ng mag-asawa na edad dalawang taon makaraang hindi ito kantiin ng suspek.

Ayon sa pamilya ng babae, lulong umano sa ipinagbabawal na gamot ang suspek at ilang araw nang hindi natutulog.

Mahaharap ang suspek sa kasong frustrated parricide ang lalaki.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...