Lolo patay sa pananambang sa QC

Tinambangan ang isang lolo na ikinasawi nito sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Vicente Barlentangco, 79 taong gulang, at opisyal ng homeowners association.

Bumili lamang ng kanin ang kanyang asawang si Sancha, pero pagbalik niya, tumambad sa harap ng kanilang bahay ang katawan ng mister.

Ayon sa saksi, nagpanggap ang suspek na bibili ng prutas. Matapos ito ay pumasok siya sa loob ng kalsada.

Kalaunan, nakarinig na ang saksi ng mga putok ng baril, at matapos ito, sumakay na ang suspek sa isang motorsiklo.

Ayon kay Sancha, posibleng away sa lupa ang motibo sa pananambang. Aniya, umaangkin sa kanilang lupa sa likod ng kanilang bahay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...