Philippine Coast Guard, tiniyak ang kahandaan sa pagsasara ng Boracay

Nakatakdang magsagawa ng maritime patrols at marine environmental proceedings ang Philippine Coast Guard bilang paghahanda sa anim na buwang rehabilitasyon ng Boracay.

Ayon sa PCG, magkakaroon sila ng Inter-Agency Capability Demonstration bukas at makikiisa dito ang mga tauhan ng Coast Guard Station (CGS) Caticlan at Coast Guard Sub-Station (CGSS) Boracay at SOF Quick Response Team.

Layon nito na paigtingin ang kahandaan ng grupo sa pagresponde sa maaring mangyari kagaya ng rally, fire incidents, mga pag-atake, pagbomba, ganun din sa kidnapping at mga pamamaril.

Samantala, nagdeploy na rin ang mga tauhan ng CRS sa lugar para sa pagsasagawa ng assessment sa mga maaring programa na gawin sa lugar kabilang na ang coral reef rehabilitation, medical mission, psycho social engagements sa tulong ng Philippine Coast Guard Auxiliary.

Sinabi naman ni PCG Spokesperson Capt. Armand Balilo na dalawang barko at anim na karagdagang floating assets ang aayuda para sa seguridad at pagpapatrol sa buong isla.

Maglalagay din sila ng buoy markers para sa lugar na papayagan ang swimming at magpoposte ng mga tauhan sa gitna ng dagat para masigurado na walang anumang floating asset ang nasa 3-kilometer radius ng shoreline ng isla.

Kahapon dumating na sa Caticlan Jetty Port ang Multi -Role Response Vessel (MRRV) 4409 “BRP Cabra” sakay ang mga tauhan ng Marine Environmental Protection Command (MEPCOM), Coast Guard Special Operations Force (CGSOF) at Civil Relations Service (CRS).

Una na ring dumating sa lugar ang Search and Rescue Vessel (SARV) 3504 “BRP Davao del Norte” simula pa noong April 18.

Dagdag pa ng PCG, ang iba pa nitong assets kagaya ng speed boat, aluminum boat, rubber boat at naka set up na rin para sa martime security patrol ng isla.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...