Bagong hepe ng NCRPO walang sasantuhin sa mga internal cleansing

Kuha ni Mark Makalalad

Tumigil sa iligal na aktibidad o umalis na sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ito ang babala ng bagong NCRPO chief Police Director Camilo Cascolan sa mga pulis na sangkot sa iiligal na droga at iba pang mga criminal activities.

Ayon kay Cascolan, wala syang sasantuhin na mga pulis at tatamaan ang lahat nang dapat tamaan sa internal cleansing ng kanilang hanay.

Dagdag pa ng opisyal, hindi na niya kailangan pa maglabas ng babala o warning sa mga kapulisan.

Aniya, sa sandaling mahuli ang mga ito agad silang sasampahan ng kaso.

Samantala, sinabi naman ni Cascolan na wala munang magiging paggalaw sa pwesto ng mga district director.

Maliban sa ipapalit kay Chief Supt. Guillermo Eleazar na ni Chief Supt. Joselito Esquevel sa QCPD.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...