Pilipinas at Kuwait humihirit ng diplomatic space

Humihirit ang Malakanyang at ang Kuwaiti government sa publiko ng diplomatic space.

Ito ay matapos magpulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Kuwait Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh sa Davao City, Lunes ng gabi.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, tinalakay sa pagpupulong ang ilang sensetibong isyu na bumabalot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Nangako aniya ang gobyerno ng Kuwait na pangangalagaan ang 250,000 Filipino na nagtatrabaho roon.

Bilang tugon nangako naman ang Pilipinas na igagalang ang soberenya ng Kuwait at ang dignidad ng mga Kuwaiti.

Una rito, naghain ng diplomatic protest ang Kuwaiti government laban kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa.

Nag-ugat ang diplomatic protest matapos mag-viral ang video na kinukuha ng mga opisyal ng embahada sa Kuwait ang mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa bahay ng kanilang amo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...