Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, maglalabas ng memorandum circular ang NTC sa Hunyo o Hulyo, para atasan ang lahat ng telcos na araw-araw na abisuhan ang subscribers nila para mabawasan o matuldukan na ang isyu sa load disappearance.
Sa datos ng NTC noong 2017, umabot sa 167 ang reklamong kanilang natanggap sa hindi maipaliwanag na pagkawala ng prepaid load.
Sa pagdinig ng Senado, natalakay ang isyu sa nawawalang load. Madalas ay “nakakain” ang load dahil sa mga promo ng telcos.
Hinikayat naman ng NTC ang publiko na kung mayroon silang reklamo ay tumawag sa kanilang hotlines 926-7722; 436-7722 O kaya ay sa hotlines ng DTI na 751-3330; 0917-834-3300