Ikatlong royal baby naipanganak na

Isang healthy baby boy ang ipinanganak ni Duchess of Cambridge Kate Middleton, Lunes ng umaga.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pangalan ang Kensington Palace o ang mag-asawang Kate at Prince William tungkol sa pangalan ng kanilang ikatlong anak.

Pitong oras matapos ang panganganak ay lumabas na ang royal family sa St. Mary’s Hospital kung saan niya rin ipinanganak sina Prince George at Princess Charlotte.

At kagaya ng naunang mga appearance ay suot ni Kate ang dress na dinisenyo ni Jenny Packham.

Samantala, bago ipakitasa publiko ang kanilang ikatlong anak ay dinala muna ni Prince William sina Prince George at Princess Charlotte sa ospital upang makita ang kanilang bagong kapatid.

Ikalima sa line of succession ang bagong royal baby — una si Prince Charles na kanyang lolo, sumunod si Prince William, na susundan nina Prince George, at Princess Charlotte. Ikaanim naman sa line of succession ang kapatid ni Prince William na si Prince Harry.

Read more...