Alab Pilipinas wagi sa Game 1 ng ABL Finals

ABL Photo

Ikinatuwa ni Renaldo Balkman, isa sa mga manlalaro ng Alab Pilipinasm, ang kanilang pagkakapanalo sa Game 1 ng 2018 ASEAN Basketball League finals.

Tinalo ng Alab ang koponan ng Thailand na Mono Vampire sa iskor na 143-130.

Bagaman masaya ay nag-aalala si Balkman sa naging performance ng kanilang team.

Aniya, sa tingin niya ay nagkaroon ng pag-iiba sa kanilang naging game play. Kaya naman kailangan nila aniyang balikan at i-review ang kanilang naging laro para makita kung ano ang nangyari at kung saan sila nagkamali.

Ani Balkman, kailangan nilang ibalik ang pagiging defensive sa laro at hindi na dapat maulit ang pagkakataon na paaabutin nilang magkaroon ng malaking puntos ang kalaban.

54% ang shooting rate ng Alab, habang 51% ang sa Mono Vampire.

Magaganap ang Game 2 ng ABL Finals sa Miyerkules, April 25 sa Sta. Rosa Multipurpose Complex.

Read more...