Kris Aquino binigyan ng bulaklak si VP Robredo

Kasunod ng pagbatikos ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino kay Korina Sanchez at pagsasabi na nakikita niya kung bakit nanalo sa pagkapresidente si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagpadala naman ito ng bulaklak kay Vice President Leni Robredo para sa kanyang kaarawan.

Sa isang Instagram post ni Kris ay ibinahagi nito ang litrato ng custom-made bouquet na ipinadala niya para kay Robredo. Makikita sa litrato na mga dilaw na rosas ito na naka-pormang puso at napapaligiran ng mga puting rosas.

Sa caption ng post ay nagpasalamat ito kay Robredo para sa “another job well done.”

Sinagot rin ni Kris ang comment ng isang netizen na pumuri sa ganda ng design ng mga bulaklak.

Ani Kris, mahal niya si Robredo at masasabi niyang isa itong “genuine person.”

Samantala, sa kasunod na Instagram post ng media personality ay makikita na si Kris naman ang may hawak ng pink at white peonies.

Sa caption, nagpasalamat si Kris sa #HB at hinuha ng mga netizens ay tinutukoy ni Kris si Herbert Bautista.

Read more...