Ito ay kung wala anyang magiging spoiler o manggugulo sa peace talks ng gobyerno at rebeldeng grupo.
Sa isang panayam ay sinabi ni Sison na posibleng ang kanyang pag-uwi sa bansa kung may sapat na pagsusulong ng usapang pangkapayapaan.
Nais ng CPP founder na may malakas na batayan ang peace talks at hindi ito madaling maapektuhan ng aniya’y mga spoilers.
Paliwanag ni Sison, kung uuwi siya na walang katiyakan at magandang mangyayari sa negosasyon ay baka magulo lang umano ang usapan.
Magiging kampante lang si Sison kung ang panig ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at pamahalaan ay mayroon ng ceasefire agreement, amnesty, at napalaya na ang mga political prisoners.
Naniniwala naman si Sison na ang nasabing mga kasunduan ay mareresolba sa loob ng 60 araw na itinakda ni Pangulong Duterte.