Dating CA Associate Justice pinagmulta dahil sa pagsusugal sa casino

Pinagmulta ng Korte Suprema ang isang dating justice ng Court of Appeals dahil sa pagsusugal sa casino na isang conduct unbecoming of a member of the judiciary.

Pinagbabayad si retired CA Associate Justice Normandie Pizarro ng multang P100,000 kasunod ng desisyon ng Supreme Court na nilabag nito ang pagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na maglaro sa casino alinsunod sa Presidential Decree No. 1869.

Nakasaad sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel Martires na mayroong anoymous letter complaint, na may kasamang mga larawan, na nag-aakusa kay Pizarro ng palagiang pagsusugal sa casino.

Umamin naman si Pizarro sa kanyang pagsusugal pero ikinatwiran nito na ang paglabag ay nagawa lamang ng isang mamamatay nang tao dahil bago nito ay nalaman niyang siya ay may terminal cancer.

Si Pizarro ang CA justice na nagsulat ng desisyon na nagpapawalang bisa sa warrant of arrest at pag-abswelto kay dating Palawan governor Joel Reyes na suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Dr. Gerry Ortega.

Siya rin ang nagsulat ng ruling na nag-abswelto kay Janet Napoles sa kasong illegal detention.

Read more...