NDRRMC itinutulak ang pagdedeklara ng state of calamity sa Boracay

Pinagtibay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang resolusyon na nagrerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng state of calamity sa Boracay Island.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nagpagkasunduan ng National Council na irekomenda ang dekalarasyon ng state of calamity sa isla.

Ito aniya ay dahil sa umiiral na kundisyon sa Boracay at ang agarang pangangailangan na pansamantala itong isara mula sa mga turista para sa rehabilitasyon ng isla.

Tinalakay ng NDRRMC na pinamumunuan ni Lorenzana ang panukalang deklarasyon ng state of calamity sa mga barangay ng Balabag, Manoc-Manoc, at Yapak.

Ang resolusyon ng ahensya ay kasabay ng nakatakdang pagdeklara ng pangulo ng state of calamity sa Boracay ngayong Martes.

Read more...