Walang moratorium sa imbestigasyon ng Senado kay VP Binay

 

Inquirer file photo

Tuloy ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon sub-committee sa mga alegasyon ng katiwalian laban kay Vice President Jejomar Binay.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng chairman ng sub-committee na si Senador Koko Pimentel na kahit sumapit na ang election period ay walang moratorium na mangyayari sa pagsisiyasat ng Senado laban sa mga kinasasangkutang katiwalian ng pangalawang pangulo.

Nilinaw din ni Pimentel na kaya hindi natuloy ang sana’y imbestigasyon ng kumite noong nakaraang linggo ay dahil ginamit ang Session Hall sa budget deliberation ng Senado.

Bagaman wala pang petsa ay sinabi ni Pimentel na ilalabas na rin nila sa mga susunod na araw ang 2nd partial report hinggil sa imbestigasyon ng mga anomalya ng mga Binay.

Samantala, maaari pa umanong i-apela ni Suspended Makati Mayor Junjun Binay ang desisyon ng Office of the Ombudsman na tuluyan nang nagtatanggal sa kanya sa posisyon bilang alkalde ng lungsod ng Makati.

Reaksyon naman ito ni Pimentel sa naging pagpapasya ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ayon sa senador, maaari pa rin namang idulog ni Binay sa Court of Appeals ang naging hatol ng Ombudsman hinggil sa kaso nito na may kaugnayan sa overpriced Makati City Parking Building 2.

Gayunman ay nilinaw din ni Pimentel na may kapangyarihan ang Ombudsman na magsuspinde o magtanggal sa posisyon ng isang lokal na opisyal sa aspeto ng kasong administratibo.

Samantala, maaari pang i-apela ni suspended Makati Mayor Junjun Binay ang desisyon ng Office of the Ombudsman na tuluyan nang nagtatanggal sa kanya sa posisyon bilang alkalde ng lungsod ng Makati.

Reaksyon naman ito ni Pimentel sa naging pagpapasya ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ayon sa senador, maaari pa rin namang idulog ni Binay sa Court of Appeals ang naging hatol ng Ombudsman hinggil sa kaso nito na may kaugnayan sa overpriced Makati City Parking Building 2.

Gayunman, nilinaw din ni Pimentel na may kapangyarihan ang Ombudsman na magsuspinde o magtanggal sa posisyon ng isang lokal na opisyal sa aspeto ng kasong administratibo. / Ricky Brozas

 

Read more...