Kinilala ang biktima na si Jonathan Tobias.
Ayon sa mga saksi, galing ng EDSA at patungo ng Sta Mesa sa Manila ang biktima.
Mabilis umano ang takbo ni Tobias dahilan para sumampa ang motorsiklo sa bakal na harang ng flyover.
Gayunman, tanging si Tobias lamang ang nahulog sa flyover at naiwan ang motorsiklo.
Nabatid na nakasuot ng helmet ang biktima subalit bago pa man tuluyang lumagapak sa semento ay natanggal na ito dahilan para mabasag ang ulo.
MOST READ
LATEST STORIES