Pangulong Duterte nagtalaga ng bagong Sandiganbayan justice at bagong hukom ng Las Piñas

Nagtalaga ng bagong mahistrado ng Sandiganbayan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa katauhan ni Antipolo City Regional Trial Court Judge Kevin Narce Vivero.

Pupunan ni Vivero ang pwestong binakante ni Justice Samuel Martires na ngayon ay mahistrado na ng Korte Suprema.

Noong March 2017 pa bakante ang pwesto ni Martires.

Samantala, itinalaga naman ni Pangulong Duterte ang anak ni Supreme Court Associate Justice Lucas Bersamin bilang bagong hukom ng Las Pi؜nas City.

Si Pia Cristina Bersamin, ay hinirang bilang bagong judge ng Las Piñas Regional Trial Court Branch 198.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...