Pangulong Duterte may mga bagong appointment; nagtalaga bagong MMDA GM at SEC Commissioner

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jose Arturo Garcia Jr. bilang general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nilagdaan ng pangulo ang appointment ni Garcia noong April 18, pero ngayong araw lamang isinapubliko ng Malakanyang ang dokumento.

Si Garcia ay dati na ring pansamantalang itinalaga bilang officer in charge General Manager ng MMDA.

Pupunan niya ang pwesto iniwan ni dating GM Thomas Orbos na ngayon ay undersecretary na ng Department of Transportation (DOTr).

Samantala, itinalaga naman ng pangulo si Javey Francisco bilang commissioner ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Papalitan ni Francisco si James Viterbo at ang kaniyang term ay hanggang sa May 20, 2021.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...