Naglalatag na ng paraan ang Department of Interior and Local Government (DILG) para matugunan ang problema sa kakulangan ng bilang ng mga kabataan na tatakbo sa May 14 elections.
Ayon kay DILG Asec. Jonathan Malaya, isa sa mga tinitignan nilang solusyon sa mababang turn out ng mga kandidato sa Sangguning Kabataan ay ang pag-a-aapoint ng mga mayor ng Local Youth Development Officer.
Hindi raw kasi sila pwdeng mag-appoint ng SK Chairman o SK Kagawad.
Paliwang nya, ligal naman ang pagtatalaga sa LYDO dahil nakasaad ito sa SK reform act.
Ang LYDO ang mangangasawa sa youth projects at mamahala sa mga programa sa komunidad.
Pagdating naman sa tanong kung bakit tila nawawala ang interes ng mga kabataan sa pulitika, sinabi ni Malaya na kinapos na sa oras ang mga kabataan.
Marami raw kasi sa kanila ang nag-aaral at hindi nakapaghain ng COC.
Bukod dito, nakaambag din sa mababang turn out ng SK candidates ang pagkaka-diskwalipika ng ilang tatakbo dahil sa pagbabawal sa political dynasty.
Samantala, para naman kay Deped Usec. Alain Pascua, posibleng may epekto rin ang kalituhan kung tuloy ba ang eleksyon dahil marami ang kumontra dito.
Matatandan na nitong Sabado ay na-extend ang paghahain ng COC sa mga tatakbo sa Baranggay at SK elections dahil na rin sa mababang bilang ng mga kabataan na naghain ng COC.