Tarragona, Davao Oriental niyanig ng magkasunod na magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang bayan ng Tarragona sa Davao Oriental Lunes ng umaga.

Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.2 na lindol alas 7:15 ng umaga na tumama sa 176 kilometers East ng Tarragona.

May lalim na 99 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Makalipas ang ilang minuto, isa pang magnitude 3.2 na lindol ang tumama muli sa bayan ng Tarragona.

Naganap naman ang ikalawang lindol sa 192 kilometers East ng nasabing bayan.

May lalim naman na 83 kilometers ang ikalawang pagyanig.

Kapwa naman hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...