Sa kanyang unang flag raising ceremony na dinaluhan sa Camp Crame, inatasan ni PNP Chief Oscar Albayalde ang PNP Intelligence group na suportahan ang Counter Intelligence Task Force sa pagtugis sa mga tiwaling pulis.
Ayon kay Albayalde, kinakailangang magsumite ang intelligence group at kanilang mga regional offices ng regular na report sa mga anomalyang kinasasangkutan ng mga pulis at ang mga report na ito ay aaktohan ng CITF sa national level.
Giit ng heneral, disiplina ang magiging hallmark ng kanyang administrasyon at siya mismo ang mangunguna sa pagpapairal ng disiplina sa pamamagitan ng leadership by example.
Samantala, kanya ring sinabi na hindi siya magdedemand ng anuman sa kanyang mga tauhan na hindi niya kayang I-demand sa kanyang sarili.
Nanawagan din sya ng pagkakaisa sa kanilang hanay at sinabing bukas ang kanyang tanggapan sa anumang reklamo.