Imee Marcos, ikinukonsidera ang pagtakbo sa 2019 Senatorial elections

Ipinahayag ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ang posibilidad ng kanyang pagtakbong senador para sa 2019 mid-term elections.

Ito anya ay dahil sila lang namang dalawa ni dating Sen. Bongbong Marcos ang nakakiling sa pulitika at gusto na ring magpahinga ng kanyang ina na si Imelda rito.

Gayunman, hindi anya tatakbo sa 2019 senatorial elections si Bongbong dahil sa gumugulong nitong electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni Imee na kailangan ang isang Marcos sa pambansang liderato bunsod ng hindi pangkaraniwang pangangailangan ng mga mamamayan ng Norte partikular sa sektor ng agrikultura at imprastraktura,

Ang pagkakasali anya niya sa top 12 ng pinakahuling senatorial survey ay dahil sa kanyang naging mga pagdalo sa mga parada sa mga kapiyestahan sa iba’t ibang lugar kung saan siya inimbitahan.

Read more...