Gabinete, magdodoble kayod matapos bumaba ang ratings – Palasyo

Malacañang Photo

Magdodoble kayod pa ang Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pagtitiyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ang naging pagbaba sa satisfaction ratings na nakuha ng Gabinete.

Sa Social Weather Stations (SWS) survey noong Marso, nakakuha lamang ng +28 na satisfaction ratings ang Gabinete na nasa klasipikasyong ‘moderate’.

Mas mababa ito ng sampung puntos sa +38 na nakuha noong Disyembre at nasa ilalim ng klasipikasyong ‘good’.

Ayon kay Roque, maraming ahensya ang nagpakita ng magandang performance sa kanilang mga trabaho.

Ipagpapatuloy anya ng mga kagawaran sa ilalim ng tanggapan ng pangulo ang pagbibigay sa bayan ng mas komportableng buhay partikular sa mahihirap.

“Many agencies have made significant strides in their respective areas and fields. The departments under the executive branch will continue to serve the nation and the best interest of our people by bringing comfortable life to disadvantaged and marginalized families, unmindful of the distraction and political noise,” ani Roque.

Dahil dito ay magdodoble kayod anya ang gabinete lalo na sa pagtataguyod sa mga polisiya at programang nagbibigay ng magandang dulot sa buhay ng mga mamamayan.

“We shall therefore work double time in highlighting policies and programs of the current administration that have the most impact to the lives of our countrymen,” dagdag pa ng kalihim.

Sa co-equal branches ng ehekutibong sangay, pinakamataas ang Senado at Mababang Kapulungan na may +45 at +35 satisfaction ratings habang pinakamababa naman ang nakuha ng Korte Suprema sa +20.

Read more...